Bogs: Wala naman nasaktan?
Mae: Nailigtas namin lahat ng tao, pero yung mga ari-arian nila…
Bogs: Bakit dati sinasabi mo— Sinasabi mo sa mga nasusunugan na wag sila malungkot… dahil buhay pa sila… na hindi dapat panghinayangan ang mga puwedeng palitan.
Mae: Akala ko rin. Hindi pala… May mga bagay na kapag nasunog, hindi mo na kayang ibalik sa dati, wala ka nang magagawa kundi— Kundi dahan-dahan mo siyang panuorin… tinutupok ng apoy.
Bogs: Mae, nagpunta ako dito para humingi ng tawad sa’yo. Kaya kong akuin ang lahat ng kasalanan sa mundo… Pero— Pero hindi ang aminin na ginamit lang kita. Mae, kahit kailan, hindi kita ginawang rebound. Hinding-hindi. Minahal kita… Mahal na mahal kita.
Mae: Salamat, Bogs. Ang sarap pakinggan at mas masirap paniwalaan, pero hanggang kailan? Bukas makalawa, may darating na iba… may bagong pagseselosan. It’s not you, Bogs… it’s me. I’m so insecure… no love can be good enough. Not even yours. Rebound man o hindi. Ang lungkot diba?
Bogs: Mae, magtulungan tayo. Ako ang magpupuno sa lahat ng kulang. Ikaw ang maging Bogs, ako ang dating Mae. Maghihintay ako, magtitiyaga ako, lahat gagawin ko hanggang sa okay ka na… hanggang kaya mo nang mahalin ang sarili mo… hanggang kaya mo na akong mahalin ulit! Ibalik natin sa dati, Mae… sa dati, Mae.
Mae: Sana nga, Bogs. Sana nga ganun kadali yun… pero hindi e. Bogs, sana ako muna… yung ako lang… yung ako lang mag-isa. Salamat sa lahat. Salamat sa lahat, Bogs. Mamimiss kita.